Connect with us

Aklan News

RETIRADONG HENERAL MULA SA AKLAN, TATAKBO BILANG ‘PATROL’ PARTYLIST REPRESENTATIVE

Published

on

“Challenge accepted” para sa isang retiradong pulis mula sa probinsiya ng Aklan ang sumabak sa larangan ng politika bilang partylist representative.

Kinumpirma ni Retired Police Major Gen. William Macavinta na tinanggap niya umano ang hamon upang maging nominee ng Patrol Partylist sa darating na eleksyon.

Aniya, noong una hay hindi niya nakikita ang kanyang sarili na pasukin ang politika matapos ng kaniyang pagreretiro dahil mas gusto nitong bigyan-oras ang pamilya.

Subalit dahil sa udyok ng dating mga kasamahan ay nagdesisyon umano itong tanggapin ang hamon at pangatawanan ang naturang grupo.

Paliwanag ni Gen. Macavinta, ang Patrol partylist ay nangangahulugan ng Public Safety Alliance for Transformation and Rule of Law.

Adbokasiya aniya ng nasabing grupo ang public safety kung saan akma dito ang kaniyang mga kaalaman at karanasan bilang isang dating pulis sa loob ng 45 taon.

Dagdag pa ng dating heneral na kasama nila dito ang sektor ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology BJMP) Philippine Army at iba pang public safety practitioners.

Si Gen. Macavinta ay nagmula sa bayan ng Numancia sa probinsiya ng Aklan na ang pamilya ay nasa hanay din ng politika.

Ang nasabing retiradong heneral ay dati rin nanilbihan sa probinsiya ng Aklan sa loob ng apat na taon.