Connect with us

Aklan News

Retired army, army reservist at isa pang kasama, arestado sa Caticlan Port matapos mahulihan ng mga baril at bala

Published

on

INARESTO ng pinagsanib na puwersa ng mga kapulisan ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng mga kontrabando sa Caticlan Jetty Port Malay, Aklan.

 

Nakilala ang mga suspek na sina Marvin Halangan Miranda, 31 anyos, isang army reservist, residente ng Villarreal, Bayawan, Negros Oriental, Mario Morales Puyal, 62 anyos, retired army, residente ng Brgy Ususan, Taguig City, at Adolfo Agbayani Obiacoro, 34 anyos, isang tricycle driver  at residente ng Imus, Cavite.

 

Sa imbestigasyon, sinasabing isinagawa ang operasyon alas-9 kagabi nang makatanggap sila ng impormasyon na may darating na kontrabando sa Caticlan Port sakay ng Starlite vessel mula sa Batangas.

 

Inabangan nila ang nasabing vessel at nakumpiska ang isang shotgun, 4 na magazine ng shotgun long steel, 1 short steel mag ng shotgun, 17 cartridge ng 12 gauge shotgun, 1 unit caliber 45, 2 steel magazine ng caliber 45, 23 bala ng Caliber .45, 1 unit ng 9 mm Masada, 61 bala ng 9 mm, 4 magazine for 9 mm, 1 unit 380 caliber taurus spectrum, 2 steel magazine ng caliber 380, 12 bala ng caliber 380, 1 holster for 9 mm, 1 holster ng caliber 380, 1 magazine pouch ng Caliber 380, 1 black sling bag na walang brand, 1 Black Bag na may Red Viper Brand, 1 Box Ammunition Consisting One Hundred (100) Rounds for 9mm Color Blue, One Hundred (100) Rounds 9 mm Live Ammunition (Reload), Two (2) Box Ammunition Box for Caliber .45 Color Black, Seventy-Seven (77) Pcs Live Ammunition for Caliber .45, Thirty-One (31) Pcs Live Ammunition for 12 Gauge Shotgun, Two (2)Cartons for Caliber .45, isang Pc Carton ng 12 Gauge Shotgun; ammunition at isang Steel Ammo Box Color Green.

 

Dinala ang mga suspek sa CIDG Aklan at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.