Connect with us

Aklan News

Revetment wall project sa Sitio Guba, Tigayon na wala pang isang taon, sira na

Published

on

Umaabot na sa halos 300 metro ang sira sa wala pang isang taon na revetment wall project sa Sitio Guba, Brgy. Tigayon, Kalibo.

Maraming residente ang nababahala at nasasayangan sa ginastos ng pamahalaan sa itinayong revetment wall na agad na nasira.

Nagsagawa kahapon ng onsite visit si OIC District Engr. Gener Abergas ng DPWH Aklan at Engr. Joey Ureta para inspeksyunin ang revetment wall.

Nabatid ayon Abergas, na ang DPWH6 ang implementing agency ng nabanggit na proyekto.

Siniguro din niya na gagawa siya ng sulat sa DPWH6 para malaman nila ang kasalukuyang sitwasyon ng ginawa nilang proyekto.