Aklan News
RHU 3 na balak itayo ng LGU Kalibo, kompleto sa pasilidad ayon kay VM Dela Cruz
INIHALINTULAD ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa isang magandang clinic ang RHU 3 na planong itayo sa bayan ng Kalibo.
Ayon sa bise-alkalde, health center ito pero kumpleto sa pasilidad.
Maliban aniya sa check-up na serbisyo, mayroon itong Xray, laboratory, ECG, ultrasound, heart monitoring, dental at iba pa.
“Parang Health Center lang imaw nga complete anang facilities. Luwas sa check-up may aton karon nga Xray, laboratory, mga ECG, tanan nga services sa isa ka manami nga clinic hay una karon… ultrasound, heart monitoring, tanan ngaron una ron. Dental, pwede man naton ibutang,” ani Dela Cruz.
Dagdag pa nito, may budget na sila mula sa Department of Health (DOH) na nagkakahalaga ng P10-million para sa nasabing Super RHU 2.
Maliban dito, inihayag ng bise-alkalde na mayroon silang P5-million na counterpart para sa nasabing proyekto.
Kauganay nito, ang lokasyon aniya kung saan balak itayo ang RHU 3 ay sa barangay Nalook, Kalibo.
“May aton nga budget halin sa Department of Health nga P10-million nga para sa Super RHU 2 nga improved siya plus P5-million man nga counterpart naton, so may P15-million kita nga facility nga paga-patindugon naton sa Nalook,” saad nito.
Samantala ang tungkol naman aniya sa ipapatayong ospital, sa ngayon ay hindi pa nila ito gaanong napag-uusapan dahil kailangan pa nilang mag-request muli sa DOH gayundin kay Cong. Carlito Marquez at Cong. Ted Haresco upang matulungan sila sa naturang proyekto.