Connect with us

Aklan News

RHU-KALIBO IKINATUWA ANG MATAAS NA NUMERO NG MGA KABATAANG NAIS MAGPABAKUNA VS. COVID-19

Published

on

File Photo: Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan 88.5 fm

Ikinatuwa ng Rural Health Unit o RHU-Kalibo ang magandang response ng mga kabataan sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination sa pediatric age na edad 12-17 anyos.

Ayon kay Mr. Lorence Laserna, Nurse II at spokesperson ng RHU-Kalibo na tumatanggap na sila ng mga walk-in para sa pediatric age sa Kalibo Pastrana Covered Court.

Prayoridad aniya nila sa ngayon ang nasa edad 15 hanggang 17 taong gulang na walang comorbidities.

Ang kailangang lamang ng mga kabataang gustong magpabakuna ay dapat kasama ang kanilang mga magulang, mayroong birth certificate na patunay na nasa 15-17 anyos , ID, facemask at face shield.

Pahayag pa ni Laserna na target nilang mabakunahan ang 500 mga kabataan kada araw.

Napag-alaman na bakunang Pfizer ang itinuturok sa mga pediatric age dahil ito lamang ang bakunang binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Samantala, kahapon, Nobyembre 12, ay dumagsa ang mga nais magpabakuna sa Kalibo Pastrana Covered Court na mga kabataan kung saan aminado ang opisyal na hindi nasunod ang social distancing.

Dahil dito ay humingi sila ng assistance sa Kalibo PNP nang sa gayo’y maayos ang pila ng mga kabataang magpapabakuna gayundin na mapanatili ang social distancing at iba pang minimum health protocols.

Sa kabilang banda, ipinahayag ni Laserna sinusubukan nilang maabong ang herd immunity sa bayan ng Kalibo bago matapos ang taong 2021.