Aklan News
RICE PRODUCTION SA AKLAN, BUMABA NG 20 PORSYENTO


BUMABA ng halos 20 porsyento ang rice production sa lalawigan ng Aklan.
Ito ay dahil sa mga isinasagawang land conversion o paggamit ng mahahalagang lupang agrikultural para gawing subdivision at pabahay ayon kay Salome David ng Office of the Provincial Agriculturist.
Aniya, ang Aklan noon ay itinuturing na rice producing province sa buong Panay Island subalit sa ngayon ay nasa 92 porsyento na lamang itong rice sufficient.
“Ro aton nga rice production iya sa Aklan hay ‘di kita sufficient sa aton nga rice consumption. Mga 92 percent eang kita iya sa sufficiency level… nagnubo gid kita kasi abo abi kita nga mga conversion it rice land areas,” ani David.
Saad pa ni David na tumaas ang populasyon ng Aklan ngunit hindi tumataas ang sukat ng lote dahil sa mga ginagawang conversion.
Hindi rin aniya natin kayang maabot ang 100 cavans per hectare na production ng palay sa lalawigan.
Binigyan-diin ni David na sa mga taong 2015 hanggang 2016 ay rice sufficient ang Aklan at nag-i-import sa ibang lalawigan ngunit ngayon ay nag-i-export na ng halos 20 porsyento para sa consumption ng mga Aklanon.
Ang land use conversion ay malaking banta sa seguridad ng pagkain hindi lamang sa lalawigan ng Aklan kundi sa buong bansa dahil patuloy na nababawasan ang sukat o laki ng mga lupain na dapat ay tamnan ng palay at iba pang pananim.