Connect with us

Aklan News

RICE TARIFFICATION: Lokal na magsasaka, hindi na ‘excited sa Harvest Season

Published

on

Photo|bisnis.tempo.com

Kalibo, Aklan – Dalawang buwan bago ang harvest season sa Aklan, ipinahayag ni Municipal Agriculture Fishery Council (MAFC) Chair Engr. Jun Agravante, na hindi na sabik ang mga lokal na magsasaka dahil sa hindi magandang epekto ng Rice Tariffication Law sa kabuhayan ng mga magsasaka sailang bahagi ng bansa.

Layunin umano ng batas na matanggal ang limitasyon sa importasyon ng bigas upang bumagsak ang presyo nito kasabay ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.

Subalit ilang buwan matapos pirmahan at ipatupad ang batas ay naging problema umano ang rice pricing.

Sinabi ni Agravante na bumagsak sa P8-11 ang bilihan ng palay sa sa Luzon.

Iginiit pa nito na nabigla ang mga magsasaka dahil sa pagbaba ng presyo ng palay at wala pang ibinibigay na pera o ayuda ang pamahalaan para sa kanila.

Dahil dito, ipinahayag ni Agravante na lahat ng mga magsasaka sa Aklan ay nag-aalangan at hindi na sabik na mag-ani dahil posible umanong bumaba ang presyo ng palay sa probinsya gaya ng sa ibang lugar sa bansa.

“Ang lahat ngayon nag-aalangan, ang lahat ngayon ng mga farmers parang hindi excited kasi most probably gayundin [P8-P11] ang magiging pricing ng palay,” wika ni Agravante.