Connect with us

Aklan News

Rider na nakainom, sumemplang dahil sa madulas na daan

Published

on

Gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang rider na sumemplang kagabi sa Brgy. Tambak, New Washington.

Batay sa report, pauwi na sana sa Lezo ang 35-anyos na rider na mula sa isang birthday party.

Sinasabing, malakas ang buhos ng ulan at nadulas ang gulong ng motor ng biktima kaya ito nawalan ng kontrol at sumemplang.

Nagresponde ang MDRRMO New Washington at nilapatan ng first aid ang biktima bago dinala sa ospital.

Napag-alaman na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang nasabing rider nang mangyari ang aksidente.

Continue Reading