Connect with us

Aklan News

Rider na sekyu sumalpok sa poste, patay

Published

on

PHOTO: BFP R6 Banga Fire Station Facebook Page

BALI ANG LEEG ng isang security guard matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa poste ng kuryente sa barangay Tabayon sa bayan ng Banga kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Ronald Oquendo, 34, residente ng Calizo, Balete.

Ayon sa ulat ng Banga PNP, patungo sana sa bayan ng Kalibo ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang sumalpok ito sa kongkretong poste sa gilid ng highway.

Kaagad namang itinakbo sa ospital ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

Samantala, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang naging sanhi ng nangyaring aksidente.