Aklan News
Rider na sumalpok sa kasalubong na pick-up sa Numancia, binawian na ng buhay


BINAWIAN ng buhay ang isang rider matapos bumangga sa kasalubong na pick-up sa Brgy. Dongon West, Numancia nitong umaga, Mayo 14.
Ang biktima ay 26-anyos na lalaki at residente ng Silakat Nonok, Lezo na pupunta sana sa trabaho at ang pickup naman ay minamaneho ng 34-anyos na babae na residente ng Sambiray, Malay.
Ayon sa panayam ng Radyo Todo Aklan kay PSms. Felizardo Navarra, duty investigator ng Numancia PNP, umakmang mag o-overtake ang pick-up sa sinusundang kotse habang naka signal light ngunit naalangan ito dahil kasalubong nito ang motorsiklo.
Dito na aksidenteng sumalpok ng malakas ang motorsiklo dahil sa bilis ng takbo nito.
Kitang-kita din sa cctv na matapos sumalpok ng motorsiklo ay nakaladkad pa ito ng mahigit limang metro ang layo dahilan upang pumailalim ang rider sa sasakyan.
Nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t -ibang parte ng katawan ang rider.
Agad manang rumesponde ang Numancia PNP sa lugar.
Dinala pa ng MDRRMO Numancia ang biktima sa Provincial Hospital ngunit idineklara itong Dead on Arrival ng attending physician nito.
Nag-file naman ng affidavit of none interested to file a case ang pamilya ng biktima at nagkasundo na sasagutin ng driver ng pickup ang lahat ng gastos ng pagpapalibing sa biktima. | Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading