Aklan News
Rider na walang lisensiya, tinakbuhan ang traffic enforcer na mag-iisyu sana ng violation ticket


TINAKBUHAN ng isang rider ang traffic enforcer na mag-iisyu sana ng violation ticket sa Brgy. Poblacion, Kalibo bandang alas-3 nitong hapon, Hunyo 11.
Napag-alamang wala palang lisensya ang naturang motorista.
Ayon sa enforcer na 35-anyos, na naka-duty sa Toting Reyes St., siya ay nagsasagawa ng inspeksyon laban sa mga motorsiklong may ilegal na muffler.
Dumaan umano ang isang motorista at pinara ito.
Umamin naman ang rider na wala siyang lisensya ngunit biglang pinatakbo ang motorsiklo at tumakas.
Sinubukang pigilan ng traffic enforcer ang suspek ngunit siya ay natumba at nagtamo ng galos sa tuhod.
Tumakas aniya ang rider patungong eskinita at tuluyang nakalayo.
Patuloy ang imbestigasyon ng Kalibo PNP upang matukoy ang motorista. l Ulat ni Jisrel Nervar