Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, NAAKSIDENTE MATAPOS SUMABIT ANG LEEG SA NAKALAYLAY NA KABLE

Published

on

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos umanong sumabit ang leeg sa nakalaylay na kable ng isang local cable network alas 7:00 kagabi sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Dave Russel, 21 anyos ng Bakhaw, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagmomotorsiklo pauwi ang biktima, subali’t aksidente itong sumabit sa nakalaylay na kable ng Aklan Cable rason na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho at sumemplang sa kalsada.

Kaagad naman itong dinala ng MDRRMO Numancia sa ospital sanhi ng tinamo nitong sugat sa katawan, habang minarapat namang ibigay ng pulis sa kanyang tiyuhin ang kanyang motorsiklo.

Samantala, nakipag-ugnayan naman ang Radyo Todo sa Aklan Cable kung saan kinumpirma nila mismo na sa kanila nga ang nakalaylay na kable.

Ayon sa Aklan Cable, kaagad narin umano silang nag-imbistiga kagabi dahil sa insidente kung saan nabatid na nasagi pala ito ng isang truck kung kayat naputol at lumaylay, base narin sa sumbong umano sa kanila ng kanilang subscriber.

Kauganay pa nito, tiniyak din Aklan Cable na ipapaayos nila ang naputol na kable.