Connect with us

Aklan News

Rider ng motorsiklo, sugatan matapos sumalpok sa wing van truck

Published

on

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng sumalpok sa isang wing van truck bandang alas 7:00 kaninang umaga sa highway ng Fulgencio, Balete.

Nakilala ang biktimang si Jestoni Nolido, 35 anyos ng Taloc, Bago City, habang nakilala naman ang driver ng wing van na si Gener Dice, 29 anyos ng Matagnop, Dao, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, nagmomotorsiklo galing sa Caticlan ang biktima papunta sa direksyon ng Altavas, subalit na overshoot umano nito ang kurbadang kalsada doon at bumangga sa kaliwang gilid ng van.

Kasunod nito, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang biktima at dumulas sa kalsada, rason ng mga sugat nito sa katawan.

Kaagad siyang dinala sa isang pribadong pagamutan kung saan siya ginagamot ngayon.