Connect with us

Aklan News

Rider ng Traysikel, sugatan matapos mabangga ng delivery van

Published

on

Banga – Sugatan ang isang rider ng traysikel matapos aksidenteng mabangga ng delivery van mag-aala 1:00 kaninang hapon sa highway ng Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang biktimang si Shirey Sabay, 46 anyos ng New Buswang, Kalibo, habang nakilala naman ang driver ng nakabanggang delivery van na si Frederick Jalalon, 38 anyos ng Sitio Patag, Lawaan, Roxas City, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, galing Kalibo papuntang Banga ang traysikel nang huminto umano ito sa gitna at nag-signal light pakaliwa, subali’t aksidenteng nabangga ng nasabing van.

Sa lakas ng pagkakabangga, sinasabing tumilapon mula sa minamanehong traysikel si Sabay kaya nagtamo ito ng   mga pinsala sa katawan.

Maliban dito, bumangga rin ang traysikel nito sa isang SUV na minamaneho naman ni Henry Francisco Bautista, 55 anyos na private electrician, residente ng Paraiso Road, Linabuan Sur, Banga, na tiempong palabas sa gate ng Aguinaldo T Repiedad Sr. School.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala ang mga nabanggit na sasakyan, na pansamantalang dinala sa impounding area ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nabatid pa mula sa Banga PNP na nauwi sa areglo ang nasabing insidente.

Continue Reading