Aklan News
Rider, pat*y matapos maaksidente sa Libertad, Nabas


Binawian ng buhay ang isang rider matapos na maaksidente sa Libertad, Nabas bandang ala-1:00 ng madaling-araw nitong Miyerkules.
Sa inisyal na impormasyon, ang lalaking rider ay si Christian Tubera, 30-anyos, at residente ng Sitio Tuba, Tondog, Tangalan.
Ayon sa MDRRMO-Nabas, binabaybay umano nito ang kahabaan ng nasabing lugar at papunta sana sa Caticlan, Malay nang mangyari ang aksidente.
Nagtamo ng mga sugat at galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima dahilan ng pagkasawi.
Isinugod pa sa Ibajay District Hospital ang biktima ngunit kalauna’y binawian rin ng buhay.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading