Connect with us

Aklan News

Rider sugatan matapos makabundol ng aso

Published

on

Rider sugatan matapos makabundol ng aso

Nagtamo ng sugat sa ulo isang rider matapos nitong mabundol ang biglang tumawid na aso sa Brgy. Marianos, Numancia dakong alas-10:39 ng gabi nitong Huwebes.

Napag-alaman na residente ng Poblacion, Makato ang rider na nasa legal na edad.

Batay sa imbestigasyon ng Numancia Pnp, pauwi na sana ang rider mula Kalibo nang mangyari ang aksidente.

Sumemplang ang rider at tumilapon ang suot nitong helmet.

Samantala, sa lakas ng pagkakasalpok sinasabing namatay rin ang asong nabundol.