Connect with us

Aklan News

Rider, sumemplang dahil sa kalasingan

Published

on

SUMEMPLANG ang rider ng isang motorsiklo sa Lambingan Beach Barangay Pook, Kalibo nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang naturang rider na si Antonio Igdalino Jr. at residente ng Brgy. Mambog, Banga, Aklan. Napag-alaman na nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula si Igdalino sa Beach Boys at papunta sana sa Pook Port ngunit hindi pa ito nakakalayo ay bigla na lamang sumemplang dahil sa kalasingan.

Dahil dito, nagtamo siya ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na kaagad namang nirespondehan ng Kalibo PNP at Kalibo Auxiliary Police at dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Kaugnay nito, pagmumultahin din si Igdalino dahil sa bayolasyong pagmamaneho ng lasing.