Aklan News
Rider, sumemplang dahil sa tumawid na aso; sugatan


SUGATAN ang isang rider matapos na sumemplang sa minamanehong motorsiklo sa bahagi ng Linabuan Sur, Banga bandang alas-9 ng lunes, Hunyo 2.
ang hindi na pinangalanang rider ay edad 31-anyos at residente ng Pagsanghan, Banga.
ayon sa MDRRMO-Banga, mula sa direksiyon ng kalibo ang rider at pauwi na umano sa Pagsanghan.
pagdating sa lugar, tumawid ang isang aso sanhi ng aksidente.
nagresponde naman sa lugar ang MDRRMO-Banga at Banga PNP.
dahil sa impact, nagtamo ng galos at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang 31-anyos na motorista.
isinugod naman sa provincial hospital ang rider para sa kaukulang medikal na atensiyon.|ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading