Aklan News
Rider, sumemplang matapos mabubdol ng kasunod na traysikel
SUMEMPLANG sa gitna ng kalsada ang isang motorcycle rider na estudyante matapos na salpukin ang likurang bahagi ng motorsiklo ng kasunod na traysikel sa Bulwang,Numancia pasado alas-5:30 nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa 19-anyos na estudyante na drayber ng motor, nagdahan-dahan umano siya sa gitna ng kalsada dahil sa traffic ang daan sa may papasok ng crossing Bulwang sa nasabing bayan.
Nagulat nalang umano ito ng bigla nalang may sumalpok sa likurang bahagi ng motor nito at tsaka ito natumba
Ayon naman sa 22-anyos na construction worker na drayber ng traysikel, Mabigat umano ang traysikel nito dahil sa 6 ang kaniyang pasahero
Nag preno pa umano ito ngunit naabot pa rin ng traysikel nito ang motor ng estudyante.
Maswerte namang walang nasugatan sa nangyaring aksidente.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP sa kaugnay rito.