Connect with us

Aklan News

Road accidents sa Aklan, bumaba – PNP ‎

Published

on

BAHAGYANG BUMABA ang bilang ng mga naitalang road accidents sa lalawigan ng Aklan sa unang limang (5) buwan ng taong 2025.

‎Mula Enero 1 hanggang Mayo 25, ng kasalukuyang taon, nakapagtala ang Aklan Police Provincial Office ng kabuuang 255 na aksidente sa kalsada.

‎Ito’y bahagyang mas mababa kung ikukumpara sa 278 road accidents na na-irekord ng APPO noong nakaraang taon, sa kaparehong period.

‎Human error at drunk driver naman ang nangungunang dahilan ng mga aksidente sa Aklan na sinundan ng lubak-lubak na kalsada o road condition at mechanical error.

‎Samantala, motorsiklo ang karamihan sa mga sangkot sa mga aksidente sa daan na umaabot ang bilang sa 188.

‎Sa mga sangkot na drayber at mga biktima sa aksidente, nasa 253 rito ang may driver’s license, 108 ang walang driver’s license, 78 ang pasahero o di kaya’y pedestrian, habang 13 naman ang menor-de-edad ang drayber.

‎Sa mga Municipal Police Station, ang mga bayan ng Ibajay, New Washington, Malay, Tangalan, Makato, at Altavas ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa daan.

‎Samantalang, malaki naman ang ibinaba sa mga kaso ng Vehicular Accident sa mga bayan ng Kalibo, Banga, at Numancia gayundin iba pang natitirang bayan sa Aklan ay nakitaan rin ng pagbaba.

‎Karamihan naman sa mga naitalang aksidente ay nangyari sa mga main road at National Highways.

Bagaman bumaba ang naitalang road accidents sa lalawigan ng Aklan, umakyat naman sa 18 ang naitalang nasawi nitong Enero 1 hanggang Mayo 25 kung ihahambing sa 14 na na-irekord noong nakaraang taon sa kaparehong period.| via Arvin Rompe