Connect with us

Aklan News

Roxas Airport nagbukas ng communal restroom para sa mga LGBT, atbp.

Published

on

Maaari nang gamitin ngayon ng mga bumibiyahe sa Roxas City ang communal toilet sa paliparan kahit ano pa ang kanilang gender identity at pisikal na kapansanan.

Ang proyektong ito ay bahagi ng Gender Awareness Development Program ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang bagong pasilidad sa Roxas City Airport ay nahahati sa apat na comfort rooms: male restroom, female restroom, restroom para sa mga PWD’s at ang communal restroom para sa mga miyembro ng LGBT community.

Ayon sa CAAP-Roxas, ito ay malaking hakbang para sa isang “gender-equal society.”

Umaasa ang pamunuan ng airport na maging inspirasyon din ito sa iba pang mga establisyemento at sa pamahalaan na magtayo ng mga gender-neutral restroom.

Ang Roxas Airport ay nagsisilbing gateway sa Seafood Capital of the Philippines – ang Capiz, Isla Gigantes at Sicogon Islands sa northeastern part ng Iloilo.

“The airport is constantly improving the quality of its facilities and services to provide comfort and satisfaction to its passengers thus achieving its vision as a passenger friendly airport,” saad pa ng CAAP-Roxas.