Connect with us

Aklan News

RSBSA enrollment form, ginagamit umano ng ilang kapitan sa pamumulitika

Published

on

Inirereklamo ng ilang mga residente ng isang barangay sa bayan ng Malinao ang pamumulitika umano ng kanilang punong barangay gamit ang RSBSA enrollment form ng Department of Agriculture.

Ginagamit raw kasi nito ang form para manglista ng mga kakampi nito na pinapaniwalang may matatanggap na ayuda habang ang mga itinuturing nitong kalaban ay ayaw nitong irehistro.

Ayon kay Engr. Alexis Apolonio ng Office of the Provincial Agriculturist, ang mga nabanggit na form ay lehitimo at kailangan para marehistro ang mga magsasaka na kaparte ng continuing program ng DA.

Hinimok raw nila ang mga magsasaka na magparegister may dalawang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay patuloy pa umano ang programa para masiguro na nailista ang lahat ng mga magsasaka.

“Klaruhon ko eang, ro DA from ngaron hay legit form nga ginasabtan it mga mangunguma para ma-include imaw sa listahan it mga farmers.

“Last 2 years gin-encourage gid man ro mga farmers nga magsabat sa form para madali sanda mataw-an it ayuda ag on-going ro pag-engganyo sa mga farmers nga magpalista,”saad nito.

Kasalukuyan na umanong may nasa 100,000 farmers ang nakapagpasa ng RSBA form, kinabibilangan ito ng mga rice farmers at iba pa.

Binigyan diin nito na nagpapatuloy pa ang registration hanggang sa ngayon pero hindi nito maisisiguro na makakatanggap ng ayuda ang mga nakapagpalista.

Hindi rin aniya ibig sabihin na ang mga nasa listahan ay sigurado nang mabibigyan ng ayuda. /MAS