Connect with us

Aklan News

RT-PCR NG TAGA WV NA MAGBOBORACAY, BALAK TANGGALIN NA LANG

Published

on

Plano ngayon ng Aklan Provincial Government na tanggalin ang RT-PCR requirement sa mga turista na taga Western Visayas.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, ipagpapaalam nila sa Department of Tourism at National Inter-Agency Task Force (IATF) na tanggalin nalang ang Regative RT-PCR requirement sa mga karatig probinsya sa rehiyon dahil may free movement naman.

Iginiit din nito na nanatiling COVID free parin ang Boracay mula nang buksan ito sa mga taga Western Visayas noong June 16 na hindi nirerequire ang RT-PCR test.

Umaabot ng dalawang araw bago lumabas ang resulta ng swab test sa Iloilo at ganun din sa ibang probinsya. Giit ng ilang turista, masyadong alanganin ang oras kung irerequire sa kanila ang negative RT-PCR test na kinuha 48 hrs bago ang kanilang biyahe.

Hihintayin na lang nilang matapos ang October 15 assessment bago sila magpapadala ng official request sa DOT ukol dito.

Nagbukas ang isla ng Boracay nitong June 16 para sa mga turista mula sa Aklan, Iloilo, Iloilo City, Bacolod City, Negros Occidental, Antique, Capiz, at Guimaras.

Bumaba na ang turista mula sa Western Visayas mula Octobre.