Connect with us

Aklan News

RTF6-ELCAC Spox nanawagan sa lokal na pamahalaan ng Aklan ng pro-active measures kasunod ng sagupaan ng mga militar at NPA sa Libacao

Published

on

NANAWAGAN si Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF6-ELCAC) Spokesperson Atty. Flosemer Chris Gonzales sa Aklan Provincial Government ng pro-active measures kasunod ng nangyayaring sagupaan ng mga military at grupo ng NPA sa bayan ng Libacao.

Aniya, hindi na natin puwedeng pabayaan ang nasabing problema lalo na ang nangyari sa barangay Manika at Dalagsaan sa nasabing bayan.

Kailangan aniyang suportahan ng gobyerno lokal ang militar at mga kapulisan.

Ayon pa kay Gonzales, dapat mas paigtingin pa ng pamahalaan ang mga hakbang nito upang masugpo ang proble sa mga teroristang grupo.

Huwag din aniya nating hayaang gamitin ng mga grupong ito ang ating mga lupain at mga kabundukan lalo na ang mga itinuturing natin na protected areas at gamitin bilang kuta ng NPA.

“Pero nagapanawagan kita sa gobyerno lokal it aton nga probinsiya it Aklan nga indi eon naton pwede nga ma-set aside daya nga problema. We need to have a pro-active measures for this two barangays. We need to support the military, we need to support the PNP and we need to double up our efforts in this two geographically isolated barangays because we cannot afford the NPA to be having safe areas in our province,” saad nito.

Giit pa ng tagapagsalita, hindi na natin maitatanggi ang nasabing problema at kailangan na nating tanggapin ito at mabigyan ng karampatang aksyon sa lalong madaling panahon.

“So we’re calling the chairperson of the Provincial Task Force to End Local Communist and Armed Conflict of the province of Aklan, who is the governor, we are willing to set down with you’re the Regional Task Force. Let us talk about this problem and let us confront the problem and we cannot allow this to escalate because as long as there are Communist Terrorist in the area of Libacao the military will always be there and oso with our police,” panawagan ni Gonzales.