Connect with us

Aklan News

RTF6-ELCAC spox sa House Bill No. 77: “Masyado nga malabo ro depinisyon”

Published

on

“Malabo ang depinisyon.”

Ganito ilarawan ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson for Legal Affairs lawyer Flosemer Chris Gonzales ang House Bill No. 77 o Human Rights Defenders’ Protection Bill na isinusulong ni Albay Representative Edcel Lagman.

Dahil dito ayon kay Atty. Gonzales ay mariing tinututulan ng NTF-ELCAC ang nasabing panukalang batas dahil malaking banta aniya ito sa demokrasya ng bansa.

“Ro National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) pinaagi sa Legal Cooperation Cluster nga ginapamunuan ni Justice Angelita Villanueva-Miranda, Office of the Solicitor General, nagpatigayon it sangka press conference nga kung siin ngani gin-presentar do position paper it NTF-ELCAC nga nagapamaeabag sa raya ngara House Bill No. 77, otherwise known as Human Rights Defenders’ Protection Bill,” wika nito.

Aniya pa, sakali umanong maipasa ang HB No. 77 ay sasalungat ito sa ilang mga naisabatas na tulad ng Anti-Terrorism Act, Anti-Money Laudering Law at ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.

Dagdag pa nito, maganda lamang ang pangalan ng batas ngunit hindi maganda ang nilalaman nito.

“Daya ngara nga House Bill 77 gina-oponeran it NTF-ELCAC dahil kaabo-abo ngani ro anang ginatawag nga redundant provision o mga probisyon it layi nga may una eot-a nga existing nga layi. Ag isaea pa, maskin manami ro anang pangaean ku raya nga bill hay bukon it manami ro anang sueod. Dahil ro depinisyon it human right defender hay anda ta nga gin-limit sa miyembro it pilang ka organisasyon. Masyado nga malabo ro depinisyon baea,” pahayag pa ni Atty. Gonzales.