Connect with us

Aklan News

Sabon for free, pero may bayad? Senior citizen sa Makato, nabiktima ng Mr. Win modus operandi

Published

on

NABIKTIMA ang isang 65-anyos na senior citizen ng isang modus na nag-aalok ng mga sabong walang bayad pero kalauna’y muli kang bibigyan at sisingilin.

Naganap ang nasabing modus sa Brgy. Agbalogo, Makato, nitong Martes, Hunyo 10.

‎Ayon kay Khey Tabernilla, anak ng biktima, apat na kalalakihan ang dumating sa kanilang bahay at nagsabing may dala silang “anniversary promo” mula umano sa isang kilalang mall sa Kalibo.

‎Bilang bahagi raw ng promo, nag-abot sila ng isang bar ng sabon at isang pack ng “Mr. Win” detergent powder kung saan sinasabing lahat ay libre.

‎Nagpakilala pa umano itong kanilang kamag-anak na sana’y matulungan siya saka nakisuyo pang gumamit ng kanilang banyo.

‎Kalauna’y nagbigay pa ito ng karagdagang tatlo pang pack ng “Mr. Win” na detergent powder ngunit matapos maibigay ang mga naturang produkto ay bigla nalang itong naningil ng ₱400.

‎Pagkatanggap ng pera, dali-daling umalis ang lalaki na galing pa sa kanilang banyo.

‎”…[O]wa guid naka-isip si mama or bisan pukawon ako kasi usually wa gid a sanda ron ga pa saka or ga[bakae-bakae] sa mga galako iya sa baryo,” ani pa ng anak ng senior citizen.

‎Napag-alaman na may ilan pa sa lugar ang muntik ring mabiktima ng modus sa kaparehong araw.

‎”Taw-an ka nanda it sabon nga powder, next bareta, tas kung bue-on mo, may other 3 packs nga itao pa gid king, tas dikato ka rayon nanda sukton. [P]ero uwa wa pa imaw ka hambae it price kung pila hay naghambae ta eagi ako nga kung may bayad ah gali makon dun hay indi ako magkuha. Wa eon imaw ka sales talk kang it mayad ay nabasahan na guro nga wa ako gapati kana. [D]ali-dali imaw pumanaw ag umadto sa pihak nga baeay,” salaysay naman ng isa pang muntik nang mabiktima ng kaparehong modus.

‎Karamihan umano sa mga target ng mga mapagsamantalang mga indibidwal ay ang mga senior citizen at mga may kapansanan.

‎Samantala, sa hiwalay na pagsisiyasat ng Radyo Todo News Team, may mga kapareho ring insidenteng naitala sa mga nakalipas na taon. Ulat ni Arvin Rompe