Aklan News
SALIVA-BASED RTPCR, TINATANGGAP NA BILANG REQUIREMENT SA MGA BIYAHERO NA PAPASOK SA AKLAN, MALIBAN SA BORACAY
Tinatanggap na bilang pre-boarding requirement ng mga biyahero sa Aklan ang saliva-based RTPCR bilang alternatibo sa nasopharyngeal swab test.
Batay sa kakapalabas lang na abiso ng Aklan Provincial Government, maaari nang gamitin ang saliva-based RTPCR saan man sa Aklan maliban na lamang sa isla ng Boracay dahil may hiwalay na requirements pa rin na ipatutupad sa mga local tourists na papunta ng Boracay Island.
Samantala, ang mga biyahero naman na manggagaling sa mga lugar sa labas ng Western Visayas na walang molecular laboratory ay at hindi makakapagpakita ng Negative RT-PCR test result ay maaaring magpakita ng notice of coordination mula sa LGU at kailangan isailalim sa isolation pagdating sa uuwiang LGU, saka itatakdang isailalim sa swab test.
Maaari naman silang makalabas kaagad kapag negatibo ang maging resulta ng test.
Kaugnay nito, nagpasa na rin ng Resolution No. 6 ang LGU Malay na humihingi ng approval sa BIATF para Saliva RTPCR sa mga local tourists papunta ng Boracay Island.