Aklan News
Sangguniang Bayan, planong mabigyan ng VHF Radio Communication Equipments ang bawat barangay sa Kalibo
BALAK ngayon ng Sangguniang Bayan na mabigyan ng Very High Frequency Radio Communication Equipment ang bawat baranggay sa Kalibo.
Bahagi ito ng plano ng lokal na pamahalaan na mas mapalakas pa ang linya ng komuniskasyon lalo na sa mga malalayong barangay.
Ayon kay SB Member Ronald Marte, nakita niya ang kahalagahan ng VHF Radio Communication Equipments noong kasagsagan ng Kalibo Sr. Sto. Nino Ati-Atihan Festival Celebration matapos na pansamantalang nawala ang signal ng mga cellular phones bilang bahagi ng security measures ng mga kapulisan.
Lubos na napakinabangan ng mga force multipliers ang VHF Radio Communication Equipment sa implementasyon ng kanilang trabaho.
Maliban dito, magagamit din ng bawat barangay sa Kalibo ang VHF Radio lalo na sa oras ng aksidente, emerhensiya at kalamidad.