Connect with us

Aklan News

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN WALANG KONTROL SA LOWER SANGGUNIAN – DILG

Published

on

KASONG ADMINISTRATIBO NA KINAKAHARAP NI MADALAG MAYOR ALFONSO GUBATINA, PAG-AARALAN PA NG AKLAN SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Photo file: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Hindi maaaring ideklara ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyon o ordinansa ng Sangguniang Bayan kung ito ay saklaw ng kanilang kapangyarihan.

Hindi rin puwedeng pilitin ng SP na magsumite ang lower sanggunian ng karagdagang dokumento maliban sa isinumiting kopya ng ordinansa o resolusyon.

Ito ay batay sa legal opinion na inilabas ng Department of Interior and Local Government or DILG Regional Office 6.

Ayon kay Regional Director Juan Jiovan Ingeniero na ang tangi lamang dahilan na puwedeng ideklara ng Sangguniang Panlalawigan na inbalido ang isang ordinansa o resolusyon ng Sangguniang bayan kung ito ay hindi saklaw ng kanilang kapangyarihan.

Ang nasabing legal opinion ng DILG ay ipinalabas kasunod ng legal query ng Sangguniang Bayan ng Kalibo tungkol sa review power ng sangguniang panlalawigan sa mga municipal ordinances at resolution.

Dagdag pa ng DILG na ang tanging resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Bayan na saklaw ng kanilang review power ay ang resolusyon na nag-aapruba ng local development plan o public investment program alinsunod sa Section 56 ng Republic Act 7160.

Sakaling lumampas ang SP sa nasabing limitasyon ay malinaw na tinatapakan nito ang legislative function ng municipal council.

Samantala, kinatigan din ng DILG ang naging desisyon ng korte sa kaso ni Percival Moday vs. Court of Appeal.

Subalit dahil ang naging aksyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ay nakabase sa tinatawag na presumption of validity ang tanging maipapayo lamang ng departamento sa Kalibo Sangguniang Bayan ay dalhin ang naturang usapin sa korte.