Aklan News
Sari-sari store owner, nabiktima ng bagong modus sa gcash; 44k, natangay


NATANGAY ng isang lalaki ang ₱44,000 na laman ng gcash ng isang sari-sari store owner sa Poblacion, Kalibo, kahapon, Mayo 27.
Sa salaysay ng sari-sari store owner, bandang alas-3:00 ng hapon ng Martes, nagpacash-in ang isang lalaki ng halagang ₱500 sa kanilang tindahan.
Humingi umano ng transaction number ang lalaki at kalauna’y umalis din sa lugar.
Pagkalipas ng higit isang oras, dito na nila napansin na na-itransfer na sa singlife ang ₱44,000 na laman ng kaniyang gcash.
Paglalarawan pa ng may-ari, Tagalog-speaking ang lalaking nakipagtransaksyon sa kanila.
Minabuti naman nitong ipa-rekord ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading