Connect with us

Aklan News

Sasakyan ng budol gang na umatake sa Altavas, inisyuhan ng search warrant; pera at iba’t ibang ID narekober

Published

on

Narekober ng Altavas PNP ang higit P50,000 cash at iba’t ibang mga ID sa loob ng sasakyang ginamit ng grupo ng mga mambubudol na umatake sa bayan ng Altavas.

Kung maaalala, nahuli ang 9 na mga suspek nitong nakaraang linggo matapos na mambiktima sa tindahan sa Altavas at narekober ang kanilang ginamit na sasakyan.

Nakuha sa loob ng sasakyan ang kabuuang P52,000 at mga ID na nakapangalan sa iba’t ibang tao.

Ayon sa Altavas PNP, itinuturing na isang “Syndicate Group” ang mga ito.

Kaugnay nito, nakapagpiyansa na sa kasong Theft ang isa sa 9 na mga suspek habang ang walo ay nakakulong pa rin.

Madaragdagan pa ang kaso ng mga suspek dahil hindi tumugma ang pangalan ng mga ito sa OR/CR ng sasakyan.

via Kiervy Revesencio

Continue Reading