Connect with us

Aklan News

SB GUS TOLENTINO, MAY SUHESTIYON SA MGA MAGHAHAIN NG KANILANG COCs

Published

on

Sinuhestiyon ni Kalibo Sangguniang Bayan member Augusto “Gus” Tolentino sa mga kakandidato na maghain na habang mas maaga ng kanilang mga Certificate of Candidacy o COCs.

Sa panayam ng Radyo Todo sinabi ng konsehal na huwag nang antayin pa ang last day of filing sa Oktubre 8 kung maari namang makapag-file ng mas maaga.

Aniya, hindi madali ang paghahain ng COCs dahil halos aabutin ng 15 minutos o higit pa ang isang aspirant candidate bago matapos.

Ito ay dahil iniisa–isa umano ng Commission on Elections o COMELEC ang bawat detalye at impormasyon ng mga kakandidato at kahit kaunti aniyang mali o deperensiya ay ipapaulit ito.

Samantala, kinumpirma naman ni Tolentino na nakapaghain na siya kahapon ng kanyang COC sa pagka-konsehal sa bayan ng Kalibo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.