Connect with us

Aklan News

SB Malay, umalma sa pagkondena ng SB Makato sa kanilang panukalang pagsingil ng environmental fee sa mga Aklanon

Published

on

Ikinagulat ng mayoriya ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang pagkondena ng SB Makato sa panukalang ordinansa ng Malay na pagsingil ng ‘environmental fee’ sa mga Aklanon.

Sa 23rd Regular Session ng SB Malay nitong Huwebes, kinuwestiyon ni SB member Nenette Aguirre-Graf ang Resolution No. 2020-131 na sponsored ni Makato Vice-Mayor Ramon Anselmo Martin Legaspi III na tumututol sa kanilang panukala hinggil sa environmental fee.

Idiniin ni Graf na karapatan ng Malay na gumawa ng sariling ordinansa na mapagkukunan ng income ng kanilang bayan.

“Hay kun naila kamo, kamo lang ubra it batas para sa amon agod indi eon kami mag obra-obra. Kung interesado gali kamo nga pasilabtan ang pag-obra it batas it Malay, kamo lang odi magtrabaho,” saad ni Graf.

Giit ni Graf, hindi dapat na pag-isipan ang Malay dahil gumagawa lang sila ng paraan para kahit paano ay kumita ang Boracay at mapanatili ang isla.

“I think something is seriously wrong sa anda nga attitude, bukon ta it porke imo indi mo i-maintain.”

Sa panukalang Ordinance No. 414 ng Malay, kabilang na ang mga Aklanon sa sisingilin ng P50.00 na environmental fee.

Pumasa na sa 3rd and final reading ng Sangguniang Bayan ng Malay ang naturang ordinansa pero hindi pa pirmado at kailangan pang dumaan sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Bago magtapos si Graf, hiniling nito na sana suportahan na lang ito dahil buong probinsya naman ang nakikinabang sa kita ng Boracay.

“Nagasakit tang buot it Malaynon nga makita nga mana kara ang pagtratar sa aton it taga ibang banwa. Indi ko masayran, ano baea pagtan-aw nanda katon, uwat sayod nga klase it munisipalidad nga naga-isip lang it kwarta para sa sarili? Bukon mana ta dya, sakop sa tanan kun ano atong grasya,” wika pa nito.