Connect with us

Aklan News

SB Matt Guzman, nais ipatanggal ang section 289 at 292 ng Kalibo Traffic Code

Published

on

Plano ngayon ni Sangguniang Bayan member Matt Aaron Guzman, chairman ng Committee on Transportation na ipatanggal ang Section 289 at 292 ng Kalibo Traffic Code.

Ayon kay SB member Guzman ito ay hinggil sa Funeral Procession Permit Requirements kung saan naging mainit na isyu ito laban sa kanya.

Aniya pa, ang nakasaad sa nasabing traffic code ay hindi nakakatulong para sa pamilya ng mga namatay.

Saad pa ng konsehal, nagluluksa na nga ang pamilya ay sisingilin pa.

Sa katunayan ani Guzman ang dapat magbayad para sa permit ay ang funeral parlor at hindi ang pamilya ng namatayan.

Dagdag pa nito, wala namang kumokontra noon sa mga isinasagawang public hearing kung kaya’t nagkaroon ito ng implementasyon.

Kaugnay nito, magsasagawa ang komitiba ni SB member Guzman ng committee hearing upang ito ay mapag-usapang mabuti gayundin ang plano ng konsehal na amyendahan ang bahagi ng nasabing traffic code.