Connect with us

Aklan News

SB Matt Guzman planong magkaroon ng behavioural health unit ang bawat barangay sa Kalibo

Published

on

Plano ngayon ni Sangguniang Bayan member Matt Aaron Guzman na magkaroon ng behavioural health unit ang bawat barangay sa Bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB Guzman, ipinunto nito na layunin ng kanyang ipinasang resolusyon na maiwasan ang paglala ng sakit ng isang individual bago pa sila maging mentally challenged

“Akon nga point karon is prevention. Indi eon naton paghueaton nga maabot sanda sa stage nga talagang maging mentally challenged,” pahayag ni Guzman.

Mas makabubuti aniya kung ang bawat barangay ay may isang behavioural health unit na puwedeng puntahan ng mga taong nangangailangan ng atensiyong medical lalo na sa aspetong mental.

Dagdag pa ng konsehal, ang iba kasi ay nahihiya na isangguni ang kanilang problema o pinagdadaanan samantalang ang iba ay walang mapuntahan.

Giit pa nito na kapag mayroong ganitong unit sa isang barangay, mabibigyan kaagad ng agarang atensiyon ang mga nangangailangan.

Binigyan-diin ng konsehal na hindi ito para sa mga mentally challenged individual kundi para sa mga taong nakakaranas o mayroong sintomas ng pagiging mentally challenged gaya ng mga nakakaranas ng stress, anxiety at depression.

Dito aniya sila bibigyan ng holistic treatment bilang tulong at pagtugon sa kanilang pangangailangang medikal.

Sa ngayon kasi ay wala pang pasilidad ang lokal na pamahalaan para sa mga mentally challenged individual.

“Duyon ro akon nga naisip dahil ngani kung facility do amon nga ginahueat hay kabuhay pat-a. Pero ro ginahambae nga sa behavioural ngara hay bukon eang imaw it naka-focus kay Pane or sa ano, kundi prevention ta ro aton nga ubrahon anay.  Halimbawa, sa level it raya nga barangay medyo may nakita eon kita nga sa tingin naton hay medyo kakaiba eot-a ro anang behavior ag posible nga rason kana karon hay ro anxiety, depression or kung ano man nga nag-trigger kana, halimbawa posible sa drugs or sa inom or may trauma imaw.”