Aklan News
SB MEMBER CLYDE LEGASPI SA HINDI PAGDEKLARA NG STATE OF CALAMITY NI MAYOR TORRES: “BASI NAGSAEOM ANANG MATA, OWA NA NAKITA RO MGA NAGAKALISOD NATON NGA IGMANGHOD”


Hindi naniniwala si Liga ng mga Barangay President Bobby Clyde Legaspi na hindi nakita ni Mayor Abencio Torres ang pinsalang dulot ng pagbaha sa bayan ng Makato.
Posibleng malabo na aniya ang mata ni Mayor Torres kaya hindi nito nakita ang nahihirapang mga mamamayan.
“basi nagsaeom anang mata, owa na nakita ro mga nagakalisod naton nga igmanghod”, saad ni Legaspi.
Ayon kay SB member Legaspi lubhang naapektuhan ang kanilang mga kabuhayan at ari-arian dahil sa naranasang pagbaha base na rin sa damage assessment report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO.
Kaya hindi siya naniniwala sa pahayag ng kanilang alkalde na hindi na kailangang isailalim ang bayan ng Makato sa State of Calamity.
Aniya, kahit ang kanilang public market ay nalubog sa baha gayundin ang mga kabahayan sa kanilang lugar.
Nasira din ang mga palayan at iba pang pinagkukunan ng hanap-buhay sa kanilang bayan.
Pagdidiin ni Legaspi na mas makabubuti kung isailalim sa state of calamity ang kanilang bayan upang maayudahan ang kanilang mga residente.
Kung maaalala na nagsagawa ng emergency meeting ang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Makato at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) upang mapag-usapan kung ano ang dapat ng hakbang ngunit ayon sa kanilang local chief executive ay wala siyang nakikitang rason upang ideklara ang State of Calamity sa bayan ng Makato.