Aklan News
SB member Gus Tolentino hindi pabor na gawing China Street ang Kalye Rizal sa bayan ng Kalibo


HINDI pabor si Sangguniang Bayan member Augusto Tolentino na gawing China Street ang kasalukuyang kalye Rizal sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Tolentino kahit ang mga nakatira sa nasabing kalye ay hindi rin pumapabor dito.
“Owa tang gid gapabor nga himuon nga China Street ro Kalye Rizal ngaron”.
Sa katunayan ayon kay Tolentino noong late 50’s, maraming Chinese ang nakatira sa nasabing kalye subalit noong nasunog ito ay nagsialisan din sila rito.
Dagdag pa ng konsehal, na kung nais talaga ng mga Chinese na palitan ang pangalan ng kalye Rizal sa China Street ay sana noon pa nila ito ginawa.
Nirerespeto umano ng mga Chinese ang pangalang ng kalye Rizal dahil hango ito sa pangalan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Nanindigan din si Tolentino na hindi siya bumotong pabor sa nasabing resolusyon noong session nila sa Sangguniang Bayan.
“Owa ngani ako kaalsa sang alima, bisan usisaon niyo dikaron,” giit nito.