Aklan News
SB member sa New Washington, nabiktima ng mga pekeng food order
Nabiktima ng mga pekeng food order si New Washington Sangguniang Bayan Member Jojo Manolosan.
Sinabi ni SB Manolosan sa panayam ng Radyo Todo na dalawang delivery rider ang dumating sa kanilang opisina nitong Lunes para maghatid ng pagkain na nakapangalan sa kanya.
Nasa kalagitnaan raw sila ng SB session nang lumapit sa kanya ang isang staff para sabihin na may mga dumating na kakanin na inorder niya.
Ikinagulat niya ito at nilinaw na hindi siya ang nag-order ng kakanin.
Sunod na dumating pagkatapos ng session ang isa pang seafood bilao na nagkakahalaga ng P2190 na nakapangalan din sa konsehal.
Nakuwi na raw siya noon sa kanilang bahay nang tumawag ang kanyang staff.
Hindi naman binayaran ng konsehal ang mga order at ipinaalalahanan ang mga negosyante o restaurant owners na usisaing mabuti kung legit o peke ang order.
“Sa mga owners it mga restaurants o kun ano paman una nga uso makara sa online nga ginatawag eang, hay kabay pa nga maging aware gid kamo inyo gid nga siyasaton kun minatuod ro naga order nga tawo ngaron ag usisaon ay indi man kami magtolerate ka ron,“ saad ng konsehal.
Ito raw ang unang beses na nabiktima siya ng fake order pero isa na rin sa kanilang mga kasamahan ang una nang pinadalhan ng crispy pata at lechon belly kahit wala naman itong inorder. RT/MAS