Connect with us

Aklan News

SB Member Tolentino kay Akelco GM Gepty: “Pagsinukot mo ro tawo kara, wakae ta sanda kara”

Published

on

Tinawag ni Kalibo Sangguniang Bayan member Augusto Tolentino ang atensiyon ni AKELCO General Manager Atty. Ariel Gepty kaugnay sa mainit na usapin ng 10% surcharge na ipapataw sa mga konsumidor na hindi nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB member Tolentino, sinabi nito na dagdag-pasanin na naman kasi ito sa mga konsumidor lalo na sa mga mahihirap.

Aniya pa, hindi rin makatuwiran ang dahilan ng AKELCO na dahil sa tinamaan sila ng pandemya kung kaya’t nais nilang patawan ng 10% surcharge ang mga konsumidor na hindi makakabayad sa tamang oras.

Giit ng konsehal, hindi lamang ang kooperatiba nila ang tinamaan ng pandemya kundi pati rin ang mga konsumidor na mas labis na naapektuhan.

Suhestiyon ni Tolentino kay GM Gepty, “meetingon mo ro imo tanan nga kolektor, mag-meeting kamo ag mag-ubra it board resolution.”

Dagdag pa nito, “meetingon niyo tanan-tanan, ay kung mawra ro imong paguwa nga 60% ngara hay owa kabayad , ro inyo ngara nga ginpaguwa nga balita, the best thing you will do is to meet all and advice kada area nga continue collection. Ag taw-an eagi it order ro indi makabayad nga after 3-5 days indi makabayad hay automatically cut-off ro imo nga linya. Tan-awon ta kung indi ron magbaeayad it madali.”