Connect with us

Aklan News

SB Rebaldo, gumawa ng resolusyon para sa rehabilitasyon ng Judge Martelino Rd. at Roxas Ave. Extension

Published

on

Nagpasa ng isang resolusyon si SB Raymar Rebaldo para sa rehabilitasyon ng Judge Martelino Rd. at Roxas Avenue Extension.

Ayon sa konsehal, hirap ang mga motorista at maging siya ay nahihirapan na rin kasing magmaniobra tuwing dadaan sa nabanggit na lugar dahil sa butas-butas na daan.

Aniya, siya mismo ang pupunta kay Governor Joen Miraflores para ipaabot ang resolusyon at masiguro na mabibigyan ito ng agarang solusyon.

Nabanggit din ni Rebaldo ang tungkol sa drainage master plan na dapat na pag-aralan dahil sa mga drainage na barado na lalo na sa may Kalibo Public Market.

Kinuwestyon din niya ang dating administrasyon tungkol sa mga kinomisyong contractor na dapat gumawa ng drainage master plan at iba pang mga proyekto na tatalakayin umano nila sa susunod na linggo.

Giit niya, maraming pera ang nasayang dahil sa mga ito at sa mga nakatiwangwang na programa ng munisipyo.