Aklan News
SB RESOLUTION PARA SA CONVERTION NG MALAY BILANG ISANG COMPONENT CITY, NASA KAMAY NA NG SP AKLAN
Nasa kamay na ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang Malay Sangguniang Bayan resolution 005-2021 na inaprubahan ng konseho nitong buwan ng Enero para sa convertion ng Malay bilang isang component city.
Layunin diumano ng naturang resolusyon na matugunan ang iba’t-ibang problema na kinakaharap ng lokal na pamunuan kagaya ng waste management, traffic congestion at iba pa dahil sa mabilis na paglago ng ekonomiya ng Malay dala umano sa paglago ng industriya ng turismo ng isla ng Boracay.
Dagdag pa sa resolusyon na wala ng nakikita pang legal na balakid ang sangguniang bayan para sa nasabing convertion dahil pasado ang lokal na pamahaaan ng malay sa mga panuntunan na sinasaad ng local goverment code of 1991(R.A. 7160).
Nakatakda namang magsagawa ang SP ng committe hearing para talakayin ang nasabing resolusyon.
Plano ring imbitahan ang kinatawan ng Aklan 2nd legislative district.