Aklan News
SB Tolentino: Paggamit ng solar power energy malaking tulong sa tumataas na singgil sa kuryente
Naniniwala si Kalibo Sangguniang Bayan member Augusto Tolentino na malaking tulong ang pagkakaroon ng solar power energy upang masagot ang problema sa mataas na power rate.
Dahil dito, isang resolusyon ang ipinasa ni Tolentino bilang pagsuporta sa Senate Bill No. 658 o An act enhancing the promotion and adoption of solar technology and net-metering among end-users, amending for the purpose Republic Act no. 9513, otherwise known as the ‘Renewable Energy Act Of 2008’ ni Sen. Raffy Tulfo.
Ayon sa konsehal kapag naisabatas ito at na-adopt ng lokal na pamahalaan, maiibsan nito ang pasanin ng mga Kalibohon at Aklanon partikular sa bayarin sa kuryente.
Nabatid na nitong buwan ng Setyembre, nagtaas ang power rate sa lahat ng power distributors at kooperatiba bunsod ng mataas na presyo ng coal sa world market at pagsipa ng dolyar laban sa halaga ng piso.|SM