Aklan News
SB Tolentino: “Wala nang pag-asa na maitayo pa ang pinapanukalang bagong Kalibo Public Market”
“Wala nang pag-asa na maitayo pa ang pinapanukalang bagong Kalibo Public Market”.
Ito ang nakikita at opinyon ni Sangguniang Bayan member Augusto “Gus” Tolentino kasunod ng pagtutol ng Aklan Sangguniang Panlalawigan sa balak na pag-utang ng lokal na pamahalaan ng Kalibo upang mapondohan ang relocation site habang ginagawa ang merkado.
“Sa akon nga panan-aw, owa eot-a it pagtindog ro tindahan ngara”, pahayag ni Tolentino.
Ayon pa kay SB Gus, nasasayangan siya sa nangyari sa bayan ng Kalibo dahil marami rin aniya ang umasang magkakaroon ito ng maganda at maayos na public market.
Samantala, may pasaring naman si SB Tolentino kay Vice Gov. Boy Quimpo na natural lang umano ang umutang dahil ito ay kailangan.
Kahit aniya mismong ang provincial government ay nangungutang rin.
“…ro akon nga napaabot sa vice governor, VG Reynaldo “Boy” Quimpo, natural gid nga gautang kita, hapay ro probinsiya, owa gautang ay?”, ani Tolentino.
Kaugnay naman nito ay sinabi ng konsehal na kung maaari ay magtulungan na lamang dahil ito’y para sa ika-uunlad ng bayan.