Aklan News
Scammer na foreigners, umano’y muling nambiktikma sa Numancia; 13k na pera, natangay


NATANGAY ang mahigit P13,000 ng umano’y mga Indian National na scammer sa isang pahenante sa Poblacion, Numancia, kahapon Mayo 6.
Kwento ng biktimang pahenante ng isang delivery truck, habang nakatigil aniya sila sa nasabing lugar ay may lumapit ritong foreigner.
Tinanong umano siya nito kung ano ang itsura ng Philippine money at agad naman niyang pinakita ngunit ikinagulat ng pahinante nang biglang dakamain ng nasabing foreigner ang kaniyang bag.
Mabuti nalang at nahatak ito pabalik ng pahinante kaya’t hindi ito tuluyang natangay saka umalis naman ang foreigner.
Samanatala, pagbalik nila ng Kalibo ay doon na nito napansin na nawawala na ang mahigit P13,000 na pera nito sa bag.
Dahil dito, kaagad dumulog ang pahenante sa Kalibo MPS ngunit inirefer din ito sa Numancia MPS dahil doon nangyari ang insidente.
Sa pag-usisa ng Radyo Todo sa Numancia PNP ay wala pa umanong nagpa- record tungkol sa nasabing insidente.
Sa pahayag ng naturang pahinante, ang foreigner ay isang indian national at nakasakay sa isang puting sasakyan.
Kung matatandaan, may kapareho ring insidente na nangyari sa bayan ng Lezo nitong mga nakaraang buwan kung
saan mahigit P60,000 pesos din ang natangay ng umano’y scammer. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading