Aklan News
School Heads sa Kalibo, pwedeng magkansela ng klase – LGU Kalibo


Kalibo, Aklan – Ipinaabot ni Kalibo Mayor Emerson Lachica sa pamamagitan ni MDRRMO officer Terence Toriano, na pwedeng magsuspinde ng pasok ang school heads kung naniniwala silang makokompromiso ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Toriano, inirekomenda lamang ng suspensiyon ng klase sa mga piling paaralan na nasa mababang lugar at apektado ng baha.
Dagdag pa nito, ang mga school heads ng bawat paaralan ay may kapangyarihan na magpasya kung sa tingin nila ay kailangan isuspende ang klase base sa guidelines ng Department of Education (DepEd).
Iginiit nito maapektuhan ng “wholesale cancellation” ang lahat ng mga estudyante kaya’t iniatas nila ang piling kanselasyon sa mga school heads.
Ipinaalala rin ni Toriano sa mga mag-aaral na siguraduhin na magdala ng rain coat o bota na panangga sa baha dulot ng malakas na ulan.