Connect with us

Aklan News

SEA GAMES: Baguhang Aklanon athlete, nasungkit ang pilak sa Pencak Silat

Published

on

Photo| sports.nquirer.net

Kalibo, Aklan – Pinatunayan ng baguhang atleta na si Mary Francine Padios na hindi magpapahuli ang Aklanon sa larangan ng pencak silat nang masungkit nito ang silver medal sa women’s tunggal event sa SEA Games 2019.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumabak ang 16-anyos na atleta sa pinakamataas na international competition.

Sa kabila ng kanyang murang edad, nakuha nitong makipaglaban sa kanyang mga katunggali at makipagsabayan sa kanyang idolong si Puspa Arum Sari ng Indonesia na siyang nanalo ng ginto.

Pahayag ni Padios na anak ng isang abogado at businesswoman, “I’m still happy despite the defeat because she (Sari) is my idol’’. It’s really okay, this is my first time in the SEA Games.’’

Nabatid na nito lamah Nobyembre 28 nasabihan ng pencak silat organization si Padios na siya ang magiging kapalit ng isa pang Aklanon pencak silat athlete na si Cherry Mae Regalado na nabigong makalaro dahil sa kanyang knee injury.