Connect with us

Aklan News

Security plan ng Malay PNP sa BSKE 2023, nakalatag na

Published

on

Photo: Malay Municipal Police Station/FB

NAKALATAG na ang security plan ng Malay Municipal Police Station para sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ito ang inihayag ni PLt. Col. Dainis Amuguis, hepe ng Malay PNP sa panayam ng Radyo Todo.

Ani Amuguis, nagsagawa na sila noong nakaraang Linggo ng unity walk at signing of peace covenant. Saad pa nito, nakapag-inspection na rin sila sa mga paaralan sa bayan ng Malay na gagamiting polling precinct.

“As of now po, wala naman po tayong nakikitang problema,” dagdag nito.

Samantala, inihayag ni PLt. Col. Amuguis na isang miyembro ng Malay PNP ang pansamantalang inilipat muna ng Municipal Police Station dahil may kamag-anak na tatakbo sa BSKE 2023.