Connect with us

Aklan News

Security preps ng Kalibo PNP sa opening salvo ng Ati-Atihan Festival 2025, ‘on place’ na – PMaj. Aguirre

Published

on

NAKALATAG na ang mga ipapatupad na security preparations ng Kalibo PNP para sa darating ng opening salvo ng Ati-atihan Festival 2025 sa darating na Oktubre a-5.

Ito ang inihayag ni PMaj. Willian Aguirre, Deputy Chief of Police ng Kalibo PNP sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, “on place eon ro aton makaron nga pagplastar it security preparation, in terms of personnel ag aton mga stakeholders. Kaibahan eon karon ro aton nga augmentation troops as well as ro aton nga pag-conduct it coordinating meeting with the Local Government Unit (LGU) Kalibo.”

Sa ngayon aniya ay sapat pa ang mga kapulisan mula sa Aklan Police Provincial Office (APPO) para pangasiwaan ang opening salvo pero magdadagdag aniya sila ng tig-2 pulis mula sa mga municipal police station sa lalawigan.

“Sa makaron hay kaya pa man it aton nga APPO ro aton nga personnels to take good care of the opening salvo of the Ati-atihan pero ro amon karon hay gapangayo lang gid kami it pilang bilog nga mga personnel from other municipal police stations.”

May mga ilalagay din aniyang Pedestrian Screening Area (PSA) papasok ng festival zone.

Ngayong taon, inaasahang dadagsa ang nasa 20,000 crowd na makikisaya sa opening salvo ng ati-atihan sa bayan ng Kalibo.