Aklan News
Seguridad para sa kapistahan ni Sr. Sto. Nino de Kalibo, inilatag na ng Kalibo PNP
INILATAG na ng Kalibo Municipal Police Station ang mga security measures na kanilang inihanda para sa darating na Kalibo Ati-Atihan Festival 2023.
Ayon kay Police Major Jasson C Belciña, Officer In Charge ng Kalibo PNP, handa na sila para sa nasabing okasyon at ipinasiguro nitong gagawin lahat ng mga kapulisan ang kanilang makakaya upang mapanatiling payapa ang Ati-atihan Festival ngayong taon.
Aniya pa, maliban sa kanilang mga police personnel, magkakaroon din ng augmentation forces mula sa Aklan Police Provincial Office (APPO) at Police Regional Office (PRO) 6.
Magkakaroon din sila ng mga Simulation Exercise o SIMEX at Communication Exercise upang malaman ng mga kapulisan na naka-puwesto sa bawat sulok ng Kalibo ang kanilang mga dapat gawin sakaling may mangyaring emergency sa kasagsagan ng selebrasyon.
Samantala, pangungunahan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office ang paglalagay ng mga Social Services kung saan mayroon itong Breastfeeding Station at Assistance Desk para sa mga Senior Citizens, Persons With Disabilities at mga batang nawala o nalayo sa kanilang mga magulang.