Aklan News
Sekyu na pumatay kay Bonna Ambay, na-comply ang mga requirements bago natanggap bilang guwardiya
Nanindigan ang Lion Heart Agency na nag-comply si Mark Archie Torrefiel sa kanilang hinihinging mga requirements tulad ng NBI Clearance, Neuro, Drug test at Security License base na rin sa RA 5487 na dapat maipasa ng isang guard applicant bago matanggap.
Ayon sa may ari ng Lion Heart Agency na si Michael Anthony Bercadez na Disyembre 12,2021, nag-apply si Torrefiel sa kanilang agency sa Roxas City at huling linggo ng Enero taong kasalukuyan ay natanggap ito.
Aniya tinitingnan din nila ang moral behavior ng isang aplikante bago ito tanggapin at wala din silang nakikitang di kanais-nais kay Torrefiel noong nag-aaply ito.
Samantala nagkausap na rin ang pamilya Ambay at ang may ari ng Security Agency na Lion Heart na si Michael Anthony Bercadez na handa silang tumulong sa pamilya.
Una ng nagpaabot ng reward money na 30,000 pesos si Bercadez.
Ayon pa sa kanya hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera ang buhay na nawala.
Dagdag pa niya, sana ay huwag nating lahatin ang mga security guards base lamang sa isang maling ginawa ni SG Torrefiel sapagkat napakaraming mga gwardya na matino, matapat, masisipag at ikinararangal ang kanilang propesyon bilang private security guards.
“The incident is an isolated one, it is not reflective of the whole security guards of the industry. Kadamo gid sang mga mayo nga mga guwardya nga nakilala naton. Kamo mismo siguro nakilala… mga nakaupod ninyo sa trabaho, there are many hardworking and dignified security professionals all over the country,” aniya.
Kung matandaan, pinatay ng Security Guard na si Mark Archie Torrefiel ang reliever Manager ng RD Pawnshop na si Bonna Ambay noong Linggo ng gabi.